Pamagat: The Healing
Direktor: Chito S. Roño
Tauhan:
1. Vilma Santos - ang pangunahing tauhan sa kwento na gumanap bilang si Seth.
2. Kim Chui - gumanap bilang si Cookie, ang kapatid ni Jed na mayroong malalang sakit na napagaling ng isang faith Healer.
3. Janice de Belen - gumanap bilang si Cita, ang ina ng batang may malalang
na napagaling ng isang faith healer.
4. Pokwang - gumanap bilang si Alma, isang OFW na bumalik sa Pilipinas. Isa
sa mga nagpafaith healing.
5. Martin del Rosario - gumanap bilang si Jed, ang kapatid ni Cookie na nagdala
sa kanya sa faith healer.
6. Daria Ramirez - gumanap bilang si Manang Elsa, isang faith healer.
7. Joel Torre - gumanap bilang si Melchor, ang kapatid ni Manang Elsa.
8. Jhong Hilario - gumanap bilang si Dario, ang namatay ngunit binuhay ni Manang Elsa.
9. Robert Arevalo - gumanap bilang si Odong, ang tatay ni Seth na napagaling ni Manang Elsa.
Buod ng Kwento:
Ang kwento ng "The Healing" ay nakatuon sa isang tradisyon ng mga Filipino, ang paniniwala sa faith healing. Ito ay pinaniniwalaan ng karamihan sa mga Filipino, at madalas ay mas sinasabing higit na epektibo kaysa sa panggagamot ng mga doktor. Tinatawag na faith healer ang mga nagsasagawa ng faith healing, at sila rin ang nilalapitan ng mga taong nais magpagamot sa dahilan na wala silang pera o mas naniniwala sila sa faith healing kaysa sa panggagamot sa mga hospital.
Isang araw, dinala ni Seth ang kanyang ama at mga kaibigan upang magpagamot sa isang faith healer, si Manang Elsa. Taliwas sa kanilang kaalaman ay mayroon palang patay na binuhay si Manang Elsa, at ang kailangan ng taong iyon upang patuloy na mabuhay ay ang kaluluwa ng mga taong pinagaling ni Manang Elsa pagkatapos siyang buhayin, ang mga kaluluwa ng mga kaibigan ni Seth na nagpagamot kay Manang Elsa. Nang malaman nila ito ay huli na ang lahat sapagkat isa-isa nang sinapian ng doppelgangers ang mga kaibigan ni Seth. Matapos sapian ay magpapakamatay ang mga sinapian, at ang kanilang kaluluwa ay mapupunta kay Dario, ang taong binuhay ni Manang Elsa. Ang huling natira na nagpagaling ay si Cookie na nagawang iligtas nila Seth at Jed mula sa kamatayan. Nailigtas si Cookie dahil sa pagpatay ni Melchor kay Dario na siyang dahilan ng pagkakamatay ng mga kaibigan ni Seth.
Banghay ng mga Pangyayari:
Sa simula ng kwento ay marami ng nagpapagaling kay Manang Elsa, kabilang na ang tatay ni Seth. Ikinalat ni Seth ang panggagaling ni Manang Elsa sa kanyang mga kaibigang may iba't-ibang sakit, at dahil dito ay nagkaroon na interes ang mga kaibigan ni Seth na magpagaling kay Manang Elsa. Pinuntahan nila si Manang Elsa upang magpagamot ngunit taliwaas sa kanilang kaalaman ay may binuhay na si Manang Elsa na namatay dahil sa heart attack, si Dario. Nang mapagaling na ang lahat ng mga kaibigan ni Seth, ilang araw ang lumipas ay nabalitaan niya na isa-isa nang namatay ang kanyang mga kaibigan, at nalaman niya na bago ito mangyari ay nakikita niya ang mga inakala niyang mga kaibigan na ang mga doppelganger pala. Isa-isang sinasapian ng mga doppelganger ang mga kaibigan ni Seth na nagpagaling kay Manang Elsa, at matapos sapian ay magpapakamatay. Pumunta siya sa bahay ni Manang Elsa upang alamin ang mga nangyayari, ngunit nang dumating siya sa bahay ni Manang Elsa ay ang nagtagpuan na lamang niya ay ang nasunog na bahay nito. Nakita siya ng kapatid ni Manang Elsa na si Melchor at sinabi nitong namatay na si Manang Elsa. Sinabi rin ni Melchor ang dahilan kung bakit isa-isang namamatay ang mga kaibigan ni Seth na nagpagaling kay Manang Elsa, ito ay dahil sa bago sila nagpagaling ay may bunihay si Manang Elsa na isang taong namatay sa heart attack, si Dario. Sinabi rin ni Melchor na kung gusto ni Seth na matigil ang isa-isang pagkamatay ng kanyang mga kaibigan ay kailangan niyang patayin ang dapat na patay na, si Dario. Hindi ito nagawa ni Seth, at ang natira nalang na taong napagaling ni Manang Elsa bago ito mamatay ay si Cookie. Pilit inilayo nila Seth at Jed si Cookie mula sa kanyang doppelganger. Halos namatay na sana si Cookie kung hindi pinatay ni Melchor si Dario dahil sa galit nito sa kanya at upang mailigtas ang mga natitirang mga kaibigan ni Seth. Nang mamatay si Dario ay tuluyan nang ligtas si Cookie at naging panatag na ang loob ni Seth.
Paksa:
"Lahat ng bagay ay may katapusan, kailangan natin itong harapin at tanggapin."
Ipinahihiwatig ng kwento na dapat nating harapin at tanggapin ang ating mga problema at hindi dapat natin itong takasan o kaya ay lutasin sa ibang pamamaraan sapagkat higit itong bibigat at magkakaroon ng matinding kaparusahan. Kailangan natin harapin ang ating problema at hindi mawalan ng pag-asa at lalong-lalo na dapat manalig tayo sa Diyos sapagkat hindi niya tayo pababayaan kahit na anong mangyari.
Cinematograpiya:
Magaling ang pagkakagawa ng pelikula. Narito na ang karamihan na mga elemento na kailangan upang makagawa ng isang maayos na pelikula, ngunit mayroon pa rin ibang mga eksena sa pelikula na kailangan ayusin sapagkat hindi nagiging katanggap-tanggap ang mga ito. Kailang bigyan nila ng dahilan ang mga eksenang may kakaibang pangyayari upang higit na maramdaman ng mga manonood ang pelikula. Maliban sa ibang mga eksena, ang pagganap ng mga aktor ay napakahusay. Binubuo nila ang mga tauhan sa kwento at nagagawa nilang maisadula ang katangian ng mga tauhan nang walang problema.
Mensahe:
"Sa pagharap sa mga problema sa ating buhay, huwag magpadalos-dalos sa paggawa ng mga desisyon. Kailangang pag-isipan muna ng mabuti ang dahilan at ang magiging bunga nito. Kailangan natin itong harapin at huwag umasa sa ibang pamamaraan na maaaring magdulot ng hindi kaaya-ayang resulta."
Konklusyon at Rekomendasyon:
Nagagawang ihatid ng pelikula ang mga mensahe nito sa mga manood. Naging mahusay rin ang pagkakagawa sa pelikula at napakahusay ng pagkakaganap ng mga aktor sa kwento. Ang pelikulang ito ay dapat lang na maipakita sa ibang mga manonood upang maipalaganap ang mensahe nito at ang kagandahan ng pelikulang ito.
No comments:
Post a Comment